I-FLEX
ni Jun Nardo
BINALIKAN muli ni QC Councilor Alfred Vargas ang akting dahil mas magaan ang schedules nila bilang konsehal kompara noong kongresista siya.
Kahit special guest lang, markado ang role ni Kon. Alfred sa coming Kapuso series na Unica Hija na pagbibidahan ni Kate Valdez.
Sa teaser na ipinalalabas, tungkol sa cloning ang konsepto ng series at tila si Alfred ang lumikha ng clone ni Kate.
Eh kahit guest lang, natutuwa ang fans ng konsehal dahil hindi niya nakalilimutan ang first love niyang acting bago pumasok sa politika.