Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maria Clara at Ibarra

Netizens tutok na tutok sa Maria Clara at Ibarra

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI maikakailang hooked na hooked ang buong sambayanan sa GMA historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra. 

Patunay Dito ang mataas ang ratings gabi-gabi ng seryeng pinagbibidahan nina Barbie Forteza bilang Klay, Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, at Dennis Trillo bilang Ibarra. 

Consistent trending topic din ang serye noong pilot week at kabi-kabilang positive reviews and feedback ang natatanggap nito mula sa viewers at netizens. 

Last week ay nag-trending sa Twitter ang Maria Clara at Ibarra for five consecutive nights. Nakakuha ng libO-libong tweets ang mga hashtag na #MCIAngSimula, #MCINoliYarn, #MCITinola, #MCIKlayMeetsIbarra, at #MCIAngKaaway. Puro positive comments din ang natatanggap ng naturang primetime series mula sa netizens. 

Mas lalo pang naantig ang viewers matapos mag-viral sa social media ang post ng isang guro na makikitang nakatutok ang kanyang Grade 3 students sa isang episode ng Maria Clara at Ibarra

Ayon kay Teacher Charlaine Alyssa Sese“Although wala pa silang ‘Noli Me Tangere,’ kahit paano nagkaka-idea na sila. Ang dami nilang tanong about sa past. Nakatutuwa lang po kasi seryoso silang nanonood, talagang interested sila.”

Umpisa pa lang ‘yan pero marami na talagang nakatutok sa paglalakbay ni Klay sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal. Sama-sama nating subaybayan ang past with a twist sa Maria Clara at Ibarra, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …