Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Cristy Fermin

Cristy nagbigay ng update kay Kris: tapos na ang gamutan

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA sa napag-usapan sa online show nina Cristy FerminMorly Alinio, at Romel Chika na Showbiz Now Na, ang kalagayan ni Kris Aquino, na ayon sa una ay tapos na ang gamutan para sa karamdaman nito.

Ayon sa source ni tita Cristy, lumipad na si Kris mula Houston, Texas patungong Los Angeles, California para roon magpagaling kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Sabi ni Cristy, “At kinukompirma po ng aming sources na nasa LA na po talaga si Kris Aquino. Roon na po muna sila titira ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby at doon na raw muna siya magpapagaling. So ibig sabihin, tapos na ‘yung misyon at proseso sa Houston… Alangan namang magpabalik-balik pa siya from California to Texas.

“Noon kasi, sobra ang pagwo-worry at pag-aalala ng sambayanang Filipino. ‘Yung kanyang itsura, pagkapayat payat. Tapos kung ikuwento pa niya ‘yung kanyang sakit, padagdag nang padagdag. Kaya ang daming nagtataka ngayon. Bakit mula roo , nandito na ngayon sa LA. Parang ang bilis,” dagdag pa niya.

Kung sakali man po na siya ay nakaligtas na sa ipinag-aalala nating sakit, lahat tayo maligaya pero kailangan ng paliwanag,” ayon pa kay Cristy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …