I-FLEX
ni Jun Nardo
NEGATIBO ang resulta ng drug test ni Sen. Robin Padilla.
Ito ang inilabas ng isang opisyal ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang magkusa siyang sumailalim sa drug test nitong nakaraang mga araw.
Panghikayat ang drug test ng senador sa mga kasamahan sa industriya at opisyal na sumailalim din dito. Tugon din ito ni Robin na suportado niya ang laban ng pamahaalan laban sa droga.
As of this writing, wala pang nababalitang ibang artista o opisyal ng pamahalaan na sumunod sa ginawa ni Sen. Robin.