I-FLEX
ni Jun Nardo
LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa sakit sa puso.
Isang heart procedure ang ginawa kay Robin kamakailan. Nagpakita ng video ang asawa niyang si Mariel Padilla sa kanyang Instagram na maayos at masigla na ang kilos ng senador/aktor.
Balita ni Mariel, “We had a successful heart procedure. It’s been a rollercoaster of emotions for us but ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers.”
Pinasalamatan ni Mariel ang doctors, nurses, at staff ng ospital at sa manager ni Sen. Padilla na si Betchay Vidanes.
“Praise God!!!” pabi pa ni Mariel.