I-FLEX
ni Jun Nardo
PINASALAMATAN at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala bilang Ka Tunying sa lahat ng kanyang empleado sa negosyong pagkain, kape at iba pa.
Eh trending ang hashtag na #boycottkatunying kaya naman nag-post si Ka Tunying sa kanyang Facebook dedicated sa empleado niya at sa hindi pa nakatitikim ng masarap nilang pagkain.
Inunawa na lang ng broadcaster ang mga taong ito at umaasang magkakaintindihan sila.
“Sa mga tinamaan naman ng aking direktang pagtutol sa boycott at cancel culture, tinamaan kayo ng magaling!” buwelta ni Ka Tunying.
Nagpasalamat maman ang broadcaster sa lahat ng tumatangkilik sa kanyang Ka Tunying’s Café.
Si President Bongbong Marcos ang sinuportahan ni Anthony kaya kahit tapos na ang eleksiyon, patuloy pa rin siyan binabanatan.