I-FLEX
ni Jun Nardo
RAKRAKAN cum fashion show ang handog ng brand na Macbeth sa 20 years celebration na ito.
Southern Californian brand ng footwear, apparel at accessories ang Macbeth. Founded in 2002 by Tom DeLonge, frontman of bands Blink 182, Box Car Racer and Angels & Airwaves.
Bale 28 na banda ang magsasama-sama sa music festival mula sa iba’t ibang probinsiya at undergounrd music community.
Kasama sa line up ng performers ang Urbandub, Chelsea Alley, Rico Blanco, Mayonaise, Sandwich, Written by the Stars at marami pang iba.
Gaganapin sa October 8 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City ang event at ilo-luanch din sa araw na ito ang Macbeth underwers na Lady Macbeth at Macbeth Underwear.
Highlight din ng festival ang isang fashion show at maayos ang health protocols sa manonood ng show at bisitahin ang www.macbethcom para malaman kung paano makakukuha ng tickets sa bonggang 20th pasabog ng Macbeth.