MATABIL
ni John Fontanilla
TIYAK na marami ang masisiyahan sa mga bagong show ng Net 25 Eagle Broadcasting Corporation na inilunsad kamakailan sa isang media get together
Ilan sa kanilang bagong programa ang Love, Bosleng & Tali! nina Vic Sotto, Tali, at Pauleen Luna; It’s BO (Biro Only) ni Joey De Leon; Call Me, Ebok ni Empoy; Counterpoint with Salvador “Sal” Panelo; Harap-Harapan ni Harry Roque; Ito ang Tahanan nina Weng Madumma, Charo Gregorio, at Laila Tumanan; Korina Interviews ni Korina Sanchez- Roxas; at Tara Game Agad-Agad ni Aga Muhlach.
Kasama rin sa mga show na napapanood na sa Net 25 ang Mata Ng Agila Primetime nina Vic De Leon Lima, Alex Santos, at Emma Tiglao; Mata Ng Agila International nina CJ Hirro at Nina Ricci Alagao; Responde Mata ng Mamamayan ni Alex Santos; Shopping All The Way with Jojo A. ni Jojo Alejar; Unlad Inc International Kaagapay sa Hanap Buhay ni Robin Padilla; Quizon Ct Comedy Theater nina Eric, Epy, Jenny and Vandolph Quizon; Bida Kayo Ka’y Aga ni Aga Muhlach; Kada Umaga nina Pia Guanio, Emma Tiglao; Aspin Ano sa Palagay N’yo ninA Ali Sotto at Pat-P Daza; Sa Ganang Mamamayan nina Gen Subardiaga at Nelson Lubao.
Kasama rin ang mga award winning show nilang Moments ni Gladys Reyes-Sommereux na 16 years nang umeere sa Net 25 at Open For Business ni Caesar R. Vallejos na pinarangalang Outstanding Television Business Program ng Asian Business excellence Awards 2022.
Bukod nga sa mga bagong shows na inilunsad ng Net 25, may mga show pa silang paparating na dapat abangan ng mga manonood.