Monday , December 23 2024
Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug suspek at anim na law offenders ang naaresto sa pinatindi pang operasyon ng pulisya sa Bulacan hanggang kahapon ng umaga.

Sa ulat mula kay PColonel Relly B. Arnedo, OIC ng Bulacan PPO, na PP 578,000.00 halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa mga drug dealer na si Maximo Dela Cruz, 67, sa Poblacion, Sta. Maria sa ikinasang drug buy-bust operation na pinangunahan ng Sta. Maria MPS katuwang ang PNP DEG – SOU3 dakong alas-2:10 ng madaling araw kahapon, Setyembre 28.

Gayundin, ang mga operatiba ng San Jose Del Monte CPS ay nakarekober ng sampung gramo ng shabu mula kay Orpia Manalo sa Kaypian, SJDM City samantalang ang Bulacan Provincial Intelligence Unit at Malolos CPS ay nakarekober ng walong gramo ng shabu mula kay Mary Meliza Eusebio at Edwin Ramirez sa Canalate, Malolos na sa pangkalahatan ay may kabuuang PhP 122,400.00.

Samantala, ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Paombong, Sta. Maria, Norzagaray, Marilao, SJDM City at Bocaue ay nakaaresto ng 11 drug suspek at nakarekober sa kanila ng 25 pakete ng shabu, 5 pakete ng  marijuana at marked money.

Arestado naman si Arnold Francisco, 42, sa pagnanakaw ng isang nakaparadang motorsiklo sa  Minuyan Proper, SJDM City, kasunod ng maagap na pagresponde ng mga tauhan ng  SJDM CPS.

Nasakote rin ng tracker teams ng 2nd PMFC, Bulakan at SJDM CPS ang limang may kasong kriminal sa bisa ng Warrant of Arrest.

Kinilala ang mga ito na sina Rosemarie Narciso para sa kasong Theft, Romil Belisario at Joselito Saranillas, kapuwa para sa Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property; Imelda Torre para sa paglabag sa BP 22; at Rodgielyn Pinon para sa Serious Physical Injuries. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …