RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG indie actress na si Mina Cruz ay gumanap na ina ni Charlie Dizon sa hit movie na Fan Girl at ngayon ay bida sa short film na As The Moth Flies na tumatalakay sa mental health.
Sa panayam namin kay Mina, ikinuwento niya na sinabi sa kanya ng direktora ng As The Moth Flies na si Gayle Oblea na may ibang naka-cast na aktres para sa pelikula pero dahil sa ilang mga kadahilanan ay pinalitan ito.
“Actually I started in the flm industry behind the camera, sa production management, production design, I did wardrobe styling.
“And then in 2015 I went to full-time acting, mas more on short films, independent film features. Very first is a short film, a thesis film called Dispacha, I played the role of a single mother na at the same time she’s a drug runner.”
Naniniwala si Mina na isang seryosong usapin ang mental health na kailangang tutukan ng gobyerno.
“Kasi in reality lalo na sa mga developing countries hindi talaga napa-prioritize ‘yung mga ganitong situation. In a lot of cases lalo na sa mga conservative households, ‘di ba, parang they would say na, ‘Ano lang ‘yan, drama lang ‘yan!’
“Na there are some people na parang they had a depression and then nagawa nilang ma-overcome ‘yun so, parang minsan they would say na, ‘Ako nga na-depress din naman ako pero nakayanan ko, bakit ikaw hindi?’
“When in fact hindi lang siya isang emotion from a certain situation, there are cases na it is hormonal. So kailangan talaga ng understanding na there should be a treatment for it.”
Sa panahon naman ng pandemya, nakatulong kay Mina ang pagsu-shoot ng pelikula. Sa umpisa kasi ng surge ng COVID-19 ay natatakot siyang lumabas ng bahay.
Pero nang mapili siya para sa pelikula ay nagkaroon siya ng lakas ng loob.
“Kasi para it’s now a reason that, ‘Okay you have to go out because you’re already committed to this project, you’ve already said your word to the people.’
“So parang ‘yung sense of responsibility also helped to push me to go out and start working.”
Hindi dumaan si Mina sa audition, personal choice siya ng direktor ng pelikula na si Gayle.