Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu

Kim Chiu bubulaga sa Eat Bulaga

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANG isa pang Viva artist na nakita sa GMA channel ay si Julia Barretto.

Guest last Saturday si Julia sa  Eat Bulaga na blocktimer ng Kapuso Network.

Si Julia ang judge sa Bawal Judgment ng noontime show na may kapartner namang napiling viewer na taga-probinsiya at naka-Zoom.

Mainit siyempre ang pagtanggap kay Julia ng EB Dabarkads na may selfie pa sa mga Batang Hamog na sina Maine Mendoza, Ryzza Dizon, at Miles Ocampo na humabol mula sa Sugod Barangay ng programa.

Bahagi ng promotions ni Julia ang guesting niya sa EB para sa kanyang ang Viva movie na Expensive Candy.

Eh sa end of this month, ipalalabas na ang reunion movie nina Kim Chiu at Xian Lim na Always The Movie.

Kasunod kaya si Kim na mapapanood sa Bulaga dahil ang BF na si Xian eh napanood na sa unang TV series na False Positive sa GMA? Malay natin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …