MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI napigilang maiyak ng isa sa maituturing ding reyna ng Vivamax, si Christine Bermas sa selebrasyon ng kanyang kaarawan na inihanda ng manager niyang si Len Carillo ng 3:16 Events and Talent Management.
Ayon kay Christine, sobrang na-touch siya sa birthday celebration na ibinigay sa kanya ng manager at sa pagdalo ng mga co-artist niya sa 3:16 na sina Sean De Guzman, Cloe.Baretto, Quinn Carillo, Marco Gomez, Itan, Karl Aquino atbp..
Dumalo rin ang alaga ni Lito De Guzman na si Rob Guinto.
Wish ni Christine ang malusog na pangangatawan a kanya at mga mahal sa buhay at ang magkaroon ng sunod-sunod na proyekto.
Thankful di si Christine sa kanyang kanyang manager na si Len and family at sa lahat ng dumalo at nakisaya sa kanyang birthday celebration.