GINANAP nitong Huwebes, 1 Setyembre, ang isang programa para pormal na ipasa ng dating hepe na si P/Lt. Col. Voltaire Rivera ang katungkulan kay P/Lt. Col. Christian Alucod bilang Acting Chief of Police ng Sta. Maria MPS sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan.
Nagpahatid ng pasasalamat si Mayor Omeng Ramos kasama sina Vice Mayor Eboy Juan at Municipal Administrator Elmer Clemente sa outgoing SMB Chief of Police at malugod na tinanggap ang magiging bagong hepe.
Muling ipinahayag ni Mayor Omeng ang kanyang adhikain na maipadama sa mga kababayan ang ligtas, tahimik, at payapang pamayanan para sa bawat pamilyang taga-Sta. Maria. (MICKA BAUTISTA)