I-FLEX
ni Jun Nardo
FINALE na ng GMA afternoon series na Apoy sa Langit.
Sa series na ito, kinamuhian nang todo ang character ni Zoren Legaspi. Sa Sabado malalaman kung ano ang ending ng kanyang masamang character.
And guess what? Ang papalit sa ASL ay ang series naman na kasama ang asawang si Carmina Villaroel na Abot Kamay Na Pangarap. Lalabas siyang api-apihang ina ni Jillian Ward dahil mahina ang utak.
Bale after Zoren, si Carmina naman ang mapapanood sa series na tinapos ng asawa.
Nakaiinggit siyempre ang status sa GMA nina Mina at Zoren. One after the other ang trabaho, huh! Nagkataon lang ba o dahil rater silang mag-asawa kaya tuloy-tuloy ang trabaho?
Gayunman, bale dating tatlong Kapamilya stars ang lead ng Abot Kamay Na Pangarap – Carmina, Dominic Ochoa, at Richard Yap.