SUMIKLAB ang sunog sa punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City, Linggo ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 2:05 am, 28 Agosto, nang magsimula ang sunog sa electrical room ng SSS data center, na nasa ground floor ng main building.
Agad nakapagresponde ang mga bombero upang apulain ang apoy.
Umabot sa unang alarma ang sunog na naideklarang fire out dakong 5:00 am.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P.7 milyon ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy. (Almar Danguilan)