I-FLEX
ni Jun Nardo
FEELING debutante ang komedyanang si Pokwang sa nakaraan niyang birthday celebration last Saturday sa Tiktoclock.
May pa-18 roses ang mga sumayaw sa kanya kabilang sina Rob Gomez, Prince Carlos, Prince Clemente,atCarlo San Juan.
First time naranasan ni Pokie ang 18 roses dahil sa hirap ng buhay nila noon gaya ng sinabi niya sa kanyang Instagram.
“Finally dream come true nga talaga itong birthday prod ko na ‘to!” bahagi ng post ni Pokie.
Nang mapasok sa showbiz eh, nagbago ang buhay ni Pokwang at patuloy na nabibigyan ng trabaho ng GMA Network.