Friday , November 15 2024
mayon albay

Bulkang Mayon alert level 1 na — PhiVolcs

ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Mayon Volcano matapos maobserbahang tumaas ang level ng aktibidad nito.

“PHIVOLCS-DOST is now raising the alert status of Mayon from Alert Level 0 to Alert Level 1. This means that the volcano is exhibiting abnormal conditions and has entered a period of unrest,” batay sa pinakahuling abiso ng Phivolcs para sa Mayon Volcano ngayong Linggo (21 Agosto), bandang 4:00 ng hapon.

Ang pagtaaas ng alerto ay matapos maobserbahan ang pagtaas ng aktibidad ng bulkan mula sa global positioning systems (GPS), precise levelling (PL), at electronic tilt and electronic distance meter (EDM) monitoring.

“These observation parameters indicate that volcanic gas-induced pressurization at the shallow depths of the edifice may be occurring, causing the summit dome of Mayon to be pushed out,” ayon sa abiso.

Nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng pagbagsak ng mga bato, pagguho, at pagbuga ng abo sa summit area,na posibleng mangyari.

Binalaan din ang mga residente sa kapatagan malapit sa lugar at aktibong river channels na manatiling alerto laban sa pagragasa ng lahar bunsod ng mga pag-ulan. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …