KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Devlopment Authority – Public lnformation Office (MMDA-PIO), nagpositibo sa CoVid 19 si MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga.
Ayon kay Sharon Demantillan ng PIO, sumalang si Dimayuga kahapon sa antigen test ngunit lumabas sa resulta na positibo sa naturang virus.
Mild symptoms lang aniya ang mararamdaman ng MMDA chairman ngunit kailangan pa rin siyang sumunod sa health protocols.
Sa ngayon ay naka-isolated si Chairman Dimayuga sa kanilang tahanan sa loob ng pitong araw bago siya makabalik sa kanyang tanggapan sa MMDA. (GINA GARCIA)