I-FLEX
ni Jun Nardo
SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera.
Ilan naman sa Kapuso stars na dumalo sa kaarawan ni Yan ay sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Boobay, Ana Feleo, Sofia Andres, Triple A executives, family, friends, at GMA bosses.
Reunited sina Kathryn at Marian sa party. Si Kath ang gumanap na batang Marian sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Endless Love na ipinalabas sa GMA noong 2010.
May pasabog namang special performance ang panganay ni Marian na si Zia.
Bahagi ng pahayag ni Yan sa video ang kaibigang Boobay sa kanyang Instagram, “Hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya tonight at nabuo ako, dahil lahat ng nandito, lahat talaga kayo ay love ko at importante sa akin, sana lagi nyo ‘yang tatandaan!”
Happy, happy birthday, Marian!