Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chloe Jenna Christine Bermas Milana Ikemoto

Chloe Jenna nahirapan makipaghalikan kay Christine 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING sumabak sa pagdidirehe ng sexy ang singer/aktor na si Jeffrey Hidalgo. Pero hindi basta-basta pagpapa-sexy kundi romance thriller naman, ang Lampas Langit na pinagbibidahan nina Christine Bermas, Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto, at Quinn Carrillo. Mapapnood na ito sa Agosto 19.

Ayon kay direk Jeffrey, kakaiba at nakaiintriga ang kuwento ng Lampas Langit, nastreaming exclusively sa Vivamax. 

Kuwento ito ni Jake (Baron), isang struggling writer na problemado sa asawang si Mylene (Chloe). Sa condominium na tinitirhan nila, makikilala ni Jake ang sikat na manunulat at ang literary idol niyang si Arman (Ricky), kasama nito ang palagay nilang anak niyang dalaga na si Belle (Christine). Mapapalapit ang loob ni Jake kay Belle at magkakaroon sila ng sikretong relasyon. 

Malalaman ni Arman at Mylene ang tungkol sa relasyon ng dalawa, at dito na isa-isang magbubunyag ang iba’t ibang sikreto, pati na ang lihim sa totoong pagkatao nina Arman at Belle. 

Unang pelikula ni Jeffrey ang 2021 Vivamax Original Movie na Eva. Kaya sa Lampas Langit ma-hook sa mga plot twist at kumapit hanggang sa dulo.

Samantala bagamat baguhan palaban din sina Chloe at Milana. 

Hindi ito ang unang pelikula ni Chloe, lumabas na rin siya sa Eva.

Kuwento ni Chloe, noon pa niya gustong mag-artista subalit hindi siya agad pinayagan ng kanyang mga magulang dahil gusto ng mga ito na makapagtapos muna siya ng pag-aaral. Sinunod naman niya iyon at nak-graduate siya ngTheater Arts major sa UP Diliman. 

Ani Chloe handa siya sa anumang role na ibibigay sa kanya kaya naman wala siyang arte sa mga bed scene niya. Good thing na inilalayan siya ng kanilang direktor

Pinasok ko ito, so I’m just excited sa opportunities na darating sa akin and I’m willing to take any challenge,” ani Chloe na napalaban kina Baron at Christine sa matitinding eksena.

Inamin ni Chloe na nahirapan siyang makipaghalikan sa kapwa babae, kay Christine. 

Pareho kaming nahirapan but ako, I tried to internalize it. Inisip ko na lang na si Christine talaga ang crush ko at nagawa naman namin,” anito.

JaPinoy naman si Milana na ang nagpalakas ng loob para magpa-sexy ay ang katwirang, “kung kaya nila kaya ko rin.”

At tulad ni Chloe handa rin siya sa anumang role na ibibigay sa kanya at gagawin niya ang lahat-lahat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrew E 38th Aliw Awards

Andrew E., nagwagi bilang Best Rap Artist sa katatapos na 38th Aliw Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MINSAN pang napatunayan ang husay ng Pinoy rap icon na si Andrew …

Richard Gomez Rene Gacuma

Richard inireklamo nambatok ng PH fencing prexy

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MULI na namang na-involve si Cong. Richard Gomez sa isyu ng “pisikalang away” …

Vilma Santos Uninvited Kyle Echarri Kaila Estrada Janice de Belen

Uninvited waging-wagi sa Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD sa Best Actress ni Ms Vilma Santos, nanalo rin ang Uninvited ng Best Supporting …

Vilma Santos Gawad Tanglaw

Vilma tinanggap ika-5 pagkilala mula Gawad Tanglaw

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGLAMBING sa inyong lingkod si Gov. Vilma Santos-Recto na i-represent siya sa katatapos …

Innervoices Aliw Awards

InnerVoices wagi sa Aliw Awards 2025

MATABILni John Fontanilla  BAGO matapos ang 2025 ay tumanggap ng parangal ang Innervoices bilang Best Group Performer in …