Friday , November 22 2024

Pirma sa sugar docs importation, ikinaila
PAG-ANGKAT NG ASUKAL, IBINASURA NI FM JR.

081122 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

“THAT’S not his signature.”

Ito ang tahasang pagkakaila ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa lagda ni  Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian para kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa dokumentong nagbigay ng basbas sa pag-angkat ng may 300,000 metriko toneladang asukal ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Si FM, Jr., pangulo at kalihim din ng Department of Agriculture ay nagsisilbi bilang SRA board chairperson.

Walang paliwanag si Angeles kung sino ang nag-utos kay Sebastian upang pumirma sa dokumento para sa Punong Ehekutibo.

               Ayon kay Angeles, ibinasura ni FM Jr., ang panukalang mag-angkat ng dagdag na 300,000 metriko toneladang asukal.

               “The president rejected the proposal to import an additional 300,000 MT of sugar. He is the chairman of the Sugar Regulatory Board and denied this in no uncertain terms,” sabi ni Angeles sa isang kalatas.

Alinsunod sa Sugar Order No. 4 na inilabas ng SRA noong Miyerkoles, hindi lalabis sa 300 MT asukal ang aangkatin ng bansa.

“Sugar retailers and businesses producing sugar containing products have complained to the Department of Agriculture, Sugar Regulatory Administration and even to media on the unavailability of sugar in the market,” nakasaad sa kautusan.

Layunin ng kautusan na tugunan ang suliranin sa supply ng asukal at sa patuloy na paglobo ng presyo nito.

Umabot na sa P90 hanggang P100 kada kilo ang presyo ng asukal sa palengke.

About Rose Novenario

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …