Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cebu Pacific CebPac Gr8 8 8

Gr8 8.8 Seat Sale ng CebPac inilunsad

INILUNSAD ng Cebu Pacific ang kanilang special seat sale para sa parehong domestic at international destinations.

Mula 8-10 Agosto, maaaring makabili ng ticket para sa ‘dream trip’ ng everyJuan sa halagang P8.00 one-way base fare. Nakatakda ang travel period para sa 8.8 seat sale mula 1 Setyembre 2022, hanggang 28 Pebrero 2023.

“We continue to see a resurgence in tourism as people have become more confident to travel amidst our new normal. As we want to keep stimulating travel, both in and out the Philippines, we are pleased to offer another hard-to-miss promo that will enable everyJuan to save up on fares as they plan trips ahead,” pahayag ni Cebu Pacific Corporate Communications director Carmina Romero.

Maaari nang muling mapuntahan ang mga paboritong beach destinations gaya ng Boracay, Bohol, Siargao, Palawan, at Cebu; o i-enjoy ang food culture sa Pampanga at Negros, sa napakamurang halaga.

Gayondin, dahil sa pagluwag ng travel restrictions, maaari nang bumiyahe sa ibang bansa sa napakamurang halaga dahil sa Gr8 8.8 Seat Sake ng Cebu Pacific.

Posible nang bumiyahe para sa cultural immersion sa Indonesia, Malaysia, at Vietnam; o para sa food trip sa Bangkok, Korea, at Singapore – dahil sa napakababang presyo ng tickets mula sa Cebu Pacific.

Sa kasalukuyan, 88% ng pre-pandemic system-wide capacity ng Cebu Pacific ang operational kabilang ang kabuuang 34 domestic at 18 international destinations.

Samantala, patuloy na ipinatutupad ng Cebu Pacific ang multi-layered approach to safety at 100% fully vaccinated crew, kung saan 95% ang mayroon nang booster – upang matiyak ang kaligtasan ng everyJuan sa kanilang biyahe. (KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …