Sunday , November 17 2024
FABELLA HOSPITAL Fire Sunog
PILIT na inaapula ng mga bombero ang sunog na tumupok sa mga kabahayan sa P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila sa likod ng Central Market. Naubos ang hilera ng mga kabahayan dahil sa sunog na umabot sa ika-limang alarma. Habang mabilis na pinalabas ng mga nurses ang mga pasyente sa fire exit ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital partikular ang mga bagong panganak dahil sa makapal na usok na pumasok mula sa sunog na nagaganap malapit sa nasabing ospital. Walang iniulat na namatay o nasugatan sa sunog na inaalam ng mga imbestigador ang pinagmulan. (BONG SON)

Sunog umabot sa 5th alarm
RESIDENTIAL-COMMERCIAL MALAPIT SA FABELLA HOSPITAL TINUPOK NG APOY

UMABOT sa ikalimang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa likod ng Central Market sa Sta. Cruz, lungsod ng  Maynila nitong Martes ng hapon, 2 Agosto.

Naganap ang sunog sa kanto ng mga kalye ng P. Guevarra at Fugoso sa Brgy. 311, Sta. Cruz.

Nilamon ng apoy at makapal na usok ang magkakadikit na bahay at tindahan na pawang gawa sa light materials habang pati ang mga kawad ng koryente ay nasunog din.

Ayon sa ilang mga residente, wala silang naisalbang anomang gamit mula sa kanilang mga bahay na mabilis na tinupok ng apoy.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Fire Department, 1:05 pm nang sumiklab ang sunog at umabot sa ikalimang alarma.

Tuluyang naapula ang sunog bandang 3:23 pm.

               Ani Crosbee Gumowang, Manila Fire Department District Director, malakas ang usok at hangin kaya hindi agad makapasok ang mga bombero.

Paalala ni Gumowang, sa ganitong mga lugar na gawa sa light materials ang mga bahay, huwag iiwanang may nakasaksak na koryente.

Patuloy pang inaalam ng Manila Fire Department ang sanhi ng sunog, pati na ang bilang ng mga naapektohang pamilya.

Samantala, nananawagan ng tulong ang mga residente tulad ng pagkain, damit, tubig, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Tinatayang aabot sa P2 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …