Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Hipon Girl Wilbert Tolentino

Herlene kuha ang simpatya ng netizens

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI man naiuwi ang isa sa apat na korona ay pumuwesto naman bilang 1st runner up ang pambato ng Angono, Rizal na si Herlene Nicole Budol sa katatapos na Binibining Pilipinas 2022 na ginanap sa Araneta Coliseum.

Umani ng malakas na hiyawan at palakpakan sa loob ng Araneta sa naging kasagutan ni Hipon sa tanong na, “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?”

Tugon ni Hipon, “Maraming salamat, para sa akin isang karangalan ang makatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang binibining hindi inaasahan, para sa akin ang sarap pala mangarap, ang sarap mangarap….walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon. Because I know to myself that I am uniquely beautiful with a mission.” 

Bukod sa 1st runner up, humakot din si Herlene ng pitong awards at ito ay ang Manila Bulletin Reader’s Choice Award, Bb. Shein, Bb. Pizza Hut, Bb. Kumu, Bb. Jag, Bb. Silka, at Bb. World Balance.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …