MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMING netizens ang nagtatanong at nagtataka kung bakit hindi kasama ni Senator Robin Padilla ang kanyang maybahay na si Mariel Rodriguez-Padilla sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. kamakailan.
Kaya naman inulan nang katanungan si Mariel sa kanyang social media kung bakit nga ba hindi ito kasama ng kanyang asawa.
Nag-post si Mariel ng edited photo na kasama ang asawang si Robin sa red carpet ng kauna-unahang SONA na isiningit ni Mariel ang sarili bilang sagot sa mga netizen na nagtatanong kung bakit hindi siya nakita sa event.
Ipinost nga nito sa kanyang social media ang litrato na may caption na, “Good morning everyone!!!! Sa mga naghahanap sakin… ayan kasama na po ako,” na agad namang pinusuan ng netizens.