I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG offer ang GMA Network kay Sarah Geronimo! Ito ang one-liner ng GMA Entertainment executive na si Lilybeth Rasonable.
“Ang tagal na rin naming naririnig ‘yan, but NO. Wala kaming offer for Sarah G,” sey ni Ma’am Lilybeth.
Ilang beses nang nabalita ang umano’y paglipat ni Sarah sa GMA. Hanggang ngayon, wala pang lipatang nagaganap.
Eh baka ginawang basehan ng nag-Maritess ang napapanood na Star Cinema/Viva movies ni Sarah sa GMA kaya nagpakalat sila ng fake news, huh!