Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrilo Cloe Barreto JC Santos Tahan Bobby Bonifacio, Jr

Quinn Carrillo, pinuri ang husay sa pagkakasulat ng Tahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMI ang pumuri sa pelikulang Tahan sa ginanap na private screening nito last July 15. Bukod sa pelikula, pinuri nang marami ang husay ng tatlong pangunahing tauhan dito, sina Cloe Barreto, Jaclyn Jose, at JC Santos.

Ang kuwento ng Tahan ay mula sa creative mind ni Quinn Carillo, na kaibigan ni Cloe. Ayon kay Quinn, habang isinusulat niya ang script, nakikita na niya sina Cloe at Cannes Best Actress Jaclyn na gumaganap sa mga karakter na ito. Tinawagan niya agad si Cloe at naging very excited naman ang aktres.

Ipinahayag ni Quinn ang kagalakan sa positive feedback sa kanyang script na pati si Direk Joel Lamangan, na present sa private screening ay pinuri ito.

Masayang saad ni Quinn, “Sobrang happy po at ‘di pa rin makapaniwala na nagagandahan pala talaga sila sa ginawa ko. Kasi when I was writing it, basta po ibinibigay ko lang ang best ko palagi.”

Mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr., ang Tahan ay mapapanood sa Vivamax simula July 22, 2022. Ang executive producers nito ay sina Ms. Len Carrillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions.

Nagpasalamt din si Quinn sa casts ng Tahan at sa kanilang director. Aniya, “They did not disappoint, very satisfied po ako sa performance ng cast. Walang tapon whatsoever, lahat po talaga magaling. Nakakikilig talaga kasi nabuo namin itong cast at movie.

“And of course si direk Bobby, thankful ako sa kanya kasi talagang tinutukan niya pa ako sa script. Even sa shooting, he lets me watch kung nagugustohan ko ba ito.”

Sa Tahan, si Cloe ay gumaganap bilang si Elise, isang high-end escort sa mayayamang negosyante at politiko. Labing-isang taong gulang pa lang siya nang ibugaw ng ina sa prostitusyon. Si Ms. Jaclyn ay si Nora, ang dominanteng ina ni Elise. Kinukutya niya ang kakayahan nitong gumawa ng ibang bagay maliban sa pagiging prosti. Ginagawa niyang tagapagbayad si Elise ng kanyang mga utang.

Ayaw nang makasama ni Elise si Nora ngunit hindi ito ganoon kadali. Nasaksihan niya mismo kung paano brutal na pumatay ang kanyang ina. Nangyari ito nang binubugbog si Elise ng kanyang kliyente. Ipinagtanggol siya ni Nora ngunit simula noon, kahit sinong lalaki ang mapalapit kay Elise ay namamatay.

Samantala, papasok naman sa buhay nila si Marcus. Si JC ang gumaganap na Marcus, high school sweetheart ni Elise. Ngayong muli silang nagkasama, ayaw na ni Marcus na magkahiwalay ulit sila.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …