Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Josef Elizalde Cara Gonzales Ava Mendez Rob Guinto Kat Dovey Stephanie Raz Quinn Carrillo

Josef malaki ang isinakripisyo sa Purificacion

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na pag-uusapan ang bagong pelikulang pinagbibidahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales, ang Purificacion kasama ang iba pang Vivamax bombshell na sina Ava Mendez, Rob Guinto, Kat Dovey, Stephanie Raz, at Quinn Carrillo.

Inamin ni Josef na sobrang tindi ang ginawa niya sa Purificacion kompara sa launching movie niyang Doblado na gumanap siyang psychotic killer.

Isang batang pari ang gagampanan ni Josef, si Fr. Ricardo Purificacion, parish priest sa isang lugar sa Santa Monica. Hinahangaan siya dahil sa kanyang magandang pag-uugali at dedikasyon at pagmamahal sa lokal na simbahan. Pero sa likod ng maamong mukha at mabuting pagkatao ay ang madilim niyang sikreto.

Sa pagdami ng mga report sa mga nawawalang kababaihan, magsisimulang mag-imbestiga si Police Inspector Gabriela Isidro (Cara) at pilit na hahanapin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.

Magiging katuwang pa ni Gabriela si Fr. Ricardo, sa pag-iimbestiga.

Nilagyan ko ng sariling nuances ‘yung character. I watched some psychological thrillers to get a feel of how other actors interpret such nefarious characters with dark motivations,” ani Josef.

At nang matanong si Josef kung sino sa mga leading lady niya pinakaseksi at palaban, ito ang naging tugon niya.

Lahat naman sila, very sexy at nakakaelya ang dating. At lahat sila, magaling. When I saw the trailer, I felt some goosebumps kasi ang gandang lumabas ng mga eksena namin, thanks to our director GB Sampedro who guided us all through it,” aniya.

Sa pagganap ni Josef na pari isinakripisyo niya ang kanyang hitsura, ang pagiging clean cut.

So I had to lose my long hair and I also shaved all my facial hair,” sambitni Josef.

Mapapanood ang Purificacion sa Vivamax simula August 5, sa direksyon ni GB Sampedro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …