Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cloe Barreto Jaclyn Jose Tahan

Cloe Barreto, pinuri ang galing ng performance sa pelikulang Tahan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HINDI lang ang kaseksihan at steamy love scenes ni Cloe Barreto ang aabangan sa pelikulang Tahan, kundi ang kakaibang husay niya rito, pati na ang kaabang-abang na twist ng pelikulang pinagbibidahan din nina Ms. Jaclyn Jose at JC Santos.

Sa ginanap na private screening nito last July 15, pinuri nang marami ang husay ni Cloe sa naturang pelikula. Nakatulong nang malaki ang naging nanay niya rito ay si Jaclyn. Kaya’t lalong lumabas ang husay ng seksing-seksing alaga ni Ms. Len Carrillo sa pelikulang ito.

Saad ni Cloe, “Sobrang saya ko po (after mapanood ang pelikula), kasi hindi ko po ine-expect, pero ang ganda po kasi talaga ng story kung nabasa n’yo po and iyon nga, naiiyak ako, kasi ang ganda… kasama pala ako sa movie na iyon, sabi ko, ‘Ay, hindi ako iyon, ha.’

“Pero ang ganda po talaga ng movie, sobrang tuwa ko po, kasi ang ganda po nang kinalabasan ng movie.”

“Sabi ko nga po kay Direk, gustong-gusto ko ‘yung part na para akong si Chucky,” nakangiting saad ni Cloe.

Bukod sa magandang feedback sa husay nina Cloe at Ms. Jaclyn, pati ang script ni Quinn ay pinuri ni Direk Joel Lamangan mismo, at mga katoto sa panulat.

Sa sexy drama/thriller na Tahan na palabas na sa July 15 sa Vivamax, maraming rason kung bakit luhaan ang ating bida. May makakatulong kaya upang matigil ang kanyang paghihirap?

Si Cloe ay gumaganap bilang si Elise, isang high-end escort para sa mayayamang negosyante at politiko. Labing-isang taong gulang pa lamang siya nang ibugaw ng kanyang ina sa prostitusyon. Si Ms. Jaclyn ay si Nora, ang dominanteng ina ni Elise. Kinukutya niya ang kakayahan ni Elise na gumawa ng ibang bagay maliban sa pagiging prosti. Ginagawa niyang tagapagbayad si Elise ng kanyang mga utang.

Ayaw nang makasama ni Elise si Nora ngunit hindi ito ganoon kadali. Nasaksihan niya mismo kung paano brutal na pumatay ang kanyang ina. Nangyari ito nang binubugbog si Elise ng kanyang kliyente. Ipinagtanggol siya ni Nora ngunit simula noon, kahit sinong lalaki ang mapalapit kay Elise ay namamatay.

Samantala, papasok naman sa buhay nila si Marcus. Si JC Santos ang gumaganap na Marcus, high school sweetheart ni Elise. Ngayong muli silang nagkasama, ayaw na ni Marcus na magkahiwalay ulit sila.

Mula sa direksiyon ni Bobby Bonifacio, Jr., ang Tahan ay mapapanood sa Vivamax simula July 22, 2022. Ang executive producers nito ay sina Ms. Len Carrillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari rin mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Sexbomb Get Get AW concert

Sexbomb fans humihirit rAWnd 6 concert

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na ang mga batang pinalaki ng Sexbomb para sa  Get, Get AW! concert  rAWnd 3, 4, …

Arabelle Dela Cruz Veiled Cup

Arabelle Dela Cruz ng Pilipinas wagi sa Veiled Cup sa Korea

MATABILni John Fontanilla WAGI ang representative ng Pilipinas na si Arabelle Manalo Dela Cruz aka Laguna Diva sa katatapos …

Charlie Fleming Sean Lucas Anthony Constantino Allen Ansay

Cast ng GMA horror film nagpakilig sa Iloilo

RATED Rni Rommel Gonzales BAGO ang takutan, kilig muna ang dala sa Iloilo ng mga …

Glaiza de Castro 58th IFFR

Glaiza proud mapanood docu-film sa ibang bansa

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI maitago ni Glaiza de Castro ang kasiyahan sa pagpapalabas ng kanyang latest …

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …