I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGHANAP talaga ng dahon ng saging si Ai Ai de las Alas sa Pinoy store sa Amerika para magamit sa kanyang pamamalantsa.
Yes, dala-dala pa rin ni Ai Ai ang nakaugalian ng mga Pinoy na dapat nakapatong sa dahon ng saging ang plantsa upang maging madulas sa damit habang nagpaplantsa.
Sa totoo lang, kung may kasambahay sa bahay, drayber at iba pang kasama sa bahay si Ai Ai kapag nasa Pilipinas kabaligtaran sa Amerika.
Siya lahat ang gumagawa ng gawaing bahay at nagda-drive upang mamili sa grocery. Mabuti na lang at sanay na siya bago siy naging Comedy Queen.
Samantala, last three weeks na ang GMA series ni Ai Ai na Raising Mamay. Muli siyang babalik sa bansa kapag nagsimula na ang bagong season ng The Clash.