I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG panahong magluto ang komedyanteng si Pokwang ng pagkaing papaitan sa kanyang Kusina ni Mamang show sa Buko Channel.
Lumabas ang report kamakailan na ilang buwan na silang hiwalay ng partner niyang foreigner na si Lee O’ Brian. Nakasam niya sa isang movie na produced dito si Brian at doon nagsimula ang kanilang relasyon hanggang mabiyayaan sila ng isang anak na babae.
Sa reports, maayos din ang hiwalayan nila ng partner kaya hindi siya pait-paitan sa buhay.
Naku, matanong nga si Pokie tungkol sa hiwalayan kapag humarap siya sa media via zoom or face to face sa mediacon ng Kapuso morning show niyang TiktokClock!