Sunday , December 22 2024
Ivan Travis Cu Chess

Cu kampeon sa Under-13 Open Nat’l Youth & Schools Chess Championship semi-finals

MULING pinatunayan ni National Master Ivan Travis Cu ng San Juan City ang kanyang husay sa ibabaw ng 64 square board matapos makakolekta ng perfect 7.0 points para magkampeon sa semifinals ng Under 13 Open National Youth & Schools Chess Championship na ginanap nitong Huwebes at Biyernes, Hunyo 30 at Hulyo 1, 2022.

Ang 7 rounds Swiss tournament ay ginanap sa Tornelo Platform na may time control  15 minutes at 10 seconds increment.

Ang 13-year-old Cu na Grade 8 pupil ng Xavier School ay lamamang ng 1.5 points kay National Master Christian Gian Karlo Arca ng Panabo City, Davao del Norte para maghari sa 34-man field na binubuo ng mga leg qualifiers at country’s best rapid young chess players.

Kabilang sa mga tinalo ni Cu ay sina Louie Nisperos sa first round, Pollux Caleb Reyes sa second round, Richard Haiden Alarma sa third round, Mar Aviel Carredo sa fourth round, National Master Al Basher “Basty” Buto sa fifth round, Yosef Immanuel Morado sa sixth round at  Mark Gabriel Usman sa seventh at final round.

Si Cu din ang nagkampeon sa National Age Group Chess Championship Semifinals kung saan naglaro siya sa U-14 open category nitong Mayo 28 at 29, 2022.

“NM Ivan Travis Cu secured the gold with 7 wins against his peers. The 7 rounds Swiss tournament was played on Tornelo with a time control of 15 minutes and 10 seconds increment,” sabi ni father/coach Teddy Cu.

“This win is a strong boost to NM Ivan and represents his second semifinal championship crown after finishing first in the recently concluded National Age Group Chess Championship Semifinals where he played in the U-14 open category last May 28 to 29, 2022.” dagdag pa ni Cu.

– Marlon Bernardino –

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …