Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Sa Nueva Ecija
MOST WANTED RAPIST NASAKOTE

SA PINATINDING Manhunt Charlie operation, nadakip ng mga awtoridad ang top most wanted person (MWP) sa bayan ng Rizal, sa lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes, 27 Hunyo.

Ayon kay P/Col. Jess Mendez, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, naglunsad ang mga operatiba ng Rizal MPS ng Manhunt Charlie Operation sa Purok 5, Brgy. Cabucbucan, sa nabanggit na bayan.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay Benjamin Rillo, 46 anyos, magsasaka, residente sa naturang barangay at nakatala bilang top 1 MWP sa bayan ng Rizal.

Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang bilang ng kasong Rape, walang piyansa.

Kasalakuyang nasa kustodiya ng Rizal MPS ang suspek para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

Rodolfo Ompong Tan Neil Clark Ongchangco

Kilalang Baguio citizen, photojourn patay sa trahedya sa ilog

BAGUIO CITY — Kilala sa kanyang mga kuhang retrato, si Rodolfo “Ompong” Tan, isang prominenteng …

Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan …