MAGPAPATUPAD ngayong araw, 28 Hunyo, ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Pilipinas Shell.
Sa anunsiyo ng Pilipinas Shell, magtataas ito ng P1.65 sa presyo ada litro ng diesel, P0.50 sa presyo ng gasoline, at P0.10 sa presyo ng kerosene dakong 6:00 am ngayong Martes.
Agad sumunod ang Seaoil at CleanFuel na magpapatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa kanilang petrolyo.
Bunsod pa rin umano ito ng paggalaw ng presyoan ng langis sa pandaigdigang merkado at epekto ng sigalot sa Russia at Ukraine.
Nitong 21 Hunyo, nagtaas ng P3.10 sa presyo ng diesel, P1.70 sa kerosene, at P0.80 sa gasolina. (GINA GARCIA)