WELCOME sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa lahat ng Filipino ang #flexPHridays campaign sa iba’t ibang produkto kabilang ang fashion, apparel, textiles, gift items, furniture, food and beverages, accessories, décor, houseware and fixtures, and technology.
Ayon sa DTI, sa pamamagitan ng kampanyang ito, ay makatutulong sa pagdiskubre ng mga tatak at produktong online habang ang mga mamimili ay nagbabahagi ng mga larawan o video ng mga produktong Filipino sa iba’t ibang platform.
Ipinakita sa daigdig ang pag-aaral, karamihan sa mga retail o komersiyal na mamimili ay naghahanap ng mga tatak online bago magpatuloy sa kanilang pagbili.
Ang pakikilahok ng mga kompanya at personalidad sa kampanyang ito ay magbibigay-daan sa pagtaas ng mga brand o tatak sa dynamic environment of the digital space. (GINA GARCIA)