SUMAKLOLO sa mga undocumented Filipino sa Sabah, Malaysia ang Philippine Embassy.
Tinulungan ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, Malaysia ang nasa 1,500 undocumented Filipinos sa Sabah.
Partikular ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa palm oil plantations sa Tawau, Sabah.
Ang naturang Pinoy workers ay hindi nagiging regular sa trabaho dahil sa kawalan ng pasaporte.
Maging ang passport at birth certificate ng kanilang dependents na nag-aaral sa eskuwelahan na nasa plantasyon ay ipinoproseso na rin ng Embahada ng Filipinas. (GINA GARCIA)