Friday , November 22 2024

P13-t utang mana ni Marcos, Jr. kay Duterte

060322 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

HALOS P13 trilyon ang utang ng Filipinas na ipapamana ni Pangulong Rodrigo Duterte kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr.

Ikinatuwiran ni Department of Budget and Management (DBM) acting secretary Tina Canda, lumobo ang utang ng bansa sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 dahil sa malaking gastos ng pamahalaan sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic.

“Ang utang kasi, hindi dapat katakutan kung halimbawa may dahilan kung bakit tayo nangutang,” ani Canda sa Laging Handa public briefing.

“Alam naman natin na ‘yung time na tumama ang COVID… wala tayong isolation facilities. Wala tayong tamang dami ng hospital beds. Hindi naman natin puwedeng isakripisyo ang buhay ng ating mga kababayan dahil lang ayaw natin mangutang,” dagdag niya.

Iniulat kahapon ng Bureau of Treasury, umabot na sa P12.76 trilyon ang utang ng bansa noong Abril 2022 mula sa P12.68 trilyon noong Marso 2022 katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ng Filipinas.

Sa P12.76 trilyon, ang utang panlabas ay P3.83 trilyon at P8.93 trilyon ang utang panloob.

Ayon sa IBON Foundation, pantasya lang ang inilalakong Duterte legacy sa ekonomiya dahil bumagsak ito simula noong 2016.

“The economy that the Duterte administration painted in its final report was a fantasy,” pahayag ng IBON kamakalawa.

Ikinubli umano ng economic team ang mga numero na magpapatunay na ang ekonomiya sa ilalim ng administrasyong Duterte ay hindi pumabor sa mga maralita.

Hindi lang utang ang lumaki sa Filipinas kundi maging ang rice import dependency na pumalo sa 15% noong 2020 kompara sa 5% lang noong 2016.

Umabot din sa 4.9% ang inflation rate (bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin) noong Abril 2022 na pinakamataas sa tatlong taon, bukod sa pagpalo ng debt payments sa P1.2 trilyon noong 2021.

Ipinanukala ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa incoming Marcos, Jr., administration, magpataw ng dagdag na buwis bilang solusyon sa paglobo ng utang pero tila hindi ito ang nakikitang solusyon ni incoming Finance Secretary Benjamin Diokno.

Mas pabor si Diokno na gawing episyente ang tax administration at pagbutihin ang koleksiyon ng buwis kaysa dagdagan ito.

About Rose Novenario

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …