Pomal na inilunsad nitong Martes nga hapon, 24 Mayo, ang Sambigkis Advocacy Support Group kasabay ng kauna-unahang general assembly ng grupo na dinaluhan ng Biñan CPS sa People’s Center, Brgy. Zapote, Biñan, Laguna na pinangunahan ng Station Community Affairs.
Nagsimula ang kaganapan sa panawagan sa pangunguna ni Ptr. Gilbert Garcia, Biñan Pastor Movement.
Isinagawa ang paglagda ng Memorandum of Undertaking at ang paggawad ng Certificate of Affiliation and Participation sa siyam na Force Multipliers (Advocacy Group).
Bukod dito, inimbitahan si Laguna ABC Chairman Ramon Montañez bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing programa.
Pinangunahan ni P/Capt. Bob Louis Ordiz, Deputy Chief of Police, ang Oath Taking Ceremony ng mga miyembro ng Advocacy Support Group.
Ang SAMBIGKIS Laban sa Kriminalidad Program ay konsepto ng hepe ng pulisya mula sa pangalan ng kanilang PNPA Class na napapanahon para sa pagkakaisa ng lahat ng force multipliers ng lungsod ng Biñan sa pagbabantay sa lungsod upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at upang pre- alisan ng laman ang paggawa ng mga krimen ng ilang indibidwal at grupo na may masmaang intensyong. (BOY PALATINO)