MATABIL
ni John Fontanilla
HANDANG tumodo sa pagpapa-sexy si Lance Raymundo sa pelikula.
Tsika ni Lance nang makausap namin sa premiere night ng pelikulang Ang Bangkay, basta kailangan sa script, magaling ang director, at mga artistang makakasama niya sa movie ay gagawin niya.
Ani Lance kung ang mga mas sikat na Hollywood stars ay sisiw lang ang magpakita ng maseselang bahagi ng katawan, handa rin niyang gawin iyon.
Sa ngayon nga ay may mga proyekto na siya na medyo pa-sexy pero hindi naman siya totodo sa pagpapakita.