Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang nalasing sa inuman sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 23 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Cresenciano Cordero, hepe ng Norzagaray MPS, kinilala ang suspek na si Glenn Solis, 27 anyos, isang guro, residente sa Brgy. Partida, sa nabanggit na bayan.

Samantala, itinago ang biktima ng panghahalay sa pangalang Alyssa, 19 anyos, call center agent, residente sa Brgy. Encanto, Angat.

Nabatid na nagkayayaan ang biktima at ang suspek kasama ang ilang mga kaibigan na mag-inuman sa isang restobar sa Norzagaray.

Nang makaramdam ng pagkahilo ang biktima, nagpaalam na siya sa mga kasama na uuwi na lamang para makapagpahinga.

Dito nagboluntaryo ang suspek na ihatid ang biktima ngunit imbes iuwi ay kanilang bahay sa Brgy. Partida tumuloy.

Dahil hilong-hilo, walang nagawa ang biktima kundi sumang-ayon sa kagustohan ng suspek at hindi alam na may binabalak na palang masama sa kanya.

Pagdating sa bahay ng suspek, dito sinimulang halayin ang bitima na kanyang sapilitang hinubaran ng mga saplot sa katawan at saka pinaghahalikan.

Dahil hinang-hina at gustuhin mang manlaban ng biktima ay wala siyang nagawa sa masidhing pagnanasa ng suspek hanggang maramdaman niyang dinadaliri nito ang kanyang kaselanan.

Matapos iyon ay saka tuluyang pinagsamantalahan ng suspek ang biktima hanggang mairaos ang kanyang kamunduhan.

Isinumbong ng biktima ang pang-aabuso sa kanyang kapatid na lalaki na siya namang nagsumbong sa himpilan ng Norzagaray MPS na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …