I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces. Mabigat ang puso niya sa caption ng post niya sa Instagram.
“I write this post with a heavy heart. We’ve truly lost a gem and one of the beloved pillars in the industry.
“My love and prayers to Ate Grace and the whole family,” caption ni Lovi sa throwback foto ni Tita Susan.
Open to the public na ang viewings sa labi ng tinaguriang Queen of Philippine Movies sa Heritage sa Taguig City. Sa latest report kahapon, atake sa puso ang ikinamatay ni Tita Susan sa edad na 80.