Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Wilbert Ross Rose Van Ginkel Jela Cuenca

Wilbert Ross okey lang na matawag na bold star

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WA ker si Wilbert Ross kahit tawagin siyang bold star dahil na rin sa paggawa ng mga sexy movie. Nauna siyang nagbida sa rom-com movie na Crush Kong Curly with AJ Raval na nasundan ng sexy at funny film na  Boy Bastos, at ngayon ang sexy comedy series na High On Sex na mapapanood simula June 5 sa Vivamax.

“Tinatawag akong bold star ng team ng It’s Showtime. Tanggap ko. Masaya po ako kasi may trabaho ako, sa industry natin, hindi lahat mayroon [trabaho]. Sobrang thankful ako sa Viva,” ani Wilbert sa isinagawang digital media conference noong Lunes.

At tiyak lalong mababasagang bold star si Wilbert dahil sinabi nitong mas mapangahas kanyang mga sexy scenes dito sa High On Sex.

‘Yung isang araw po na talagang sequence after sequence kami. Per sequence, ang hahaba ng lines namin. Ang dami naming ginawang scenes.

“Open kasi ‘yung gym so natatakot ako na baka may dumaan, makita ‘yung puwet ko. Nahiya po ako.

“Naiyak talaga po ako sa katatanggal ng plaster sobrang sakit po talaga at naubos na po ‘yung….,” ani Wilbert.

Samantala, idinaan naman namin sa past talk ang tanong kay Wilbert. Pinapili namin ito kung lights of or lights on, at ano ang pipiliin niya, sex or chocolate?

Sagot ng binata, “lights on ako para ma-apreciate ko ang katawan niya.  Para makita ko ang mga bagay-bagay, parang live lang na porn. At sex naman over chocolate kasi singer ako bawal sa chocolate.”

Si Gibo si Wilbert Ross sa series na isang iskolar at umaasang makaka-score sa kanyang girlfriend dahil sa pangako nito na sila’y mag-“all the way” pagkatapos ng kanilang junior year.  Pero bigla na lang lumipad ang kanyang jowa papuntang Amerika.  Dahil dito, ibabaling ni Gibo ang atensiyon kay Mrs. Salva (Rob Guinto of X-Deal 2), ang sexy teacher na pantasya ng lahat. 

Bukod kay Wilbert, kasama rin dito sina Denise Esteban, Mig Almendras, Angela Morena, Kat Dovey, Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista, at Mark Carpio. Idinirehe naman ito ni GB Sampedro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Joseph Marco Rhen Escaño My Husband is a Mafia Boss

Joseph Marco at Rhen Escaño bibida sa My Husband is a Mafia Boss

HINDI nauubos ang mga kapana-panabik na handog ng Viva One para sa mga loyal viewer at Wattpadseries enjoyers. …

SSR Shake Rattle and Roll Evil Origins

Shake, Rattle &Roll: Evil Origins tumabo ng mahigit P110-M sa takilya, palabas pa sa mahigit 100 sinehan

NA-BREAK na ng Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ang P100-M mark sa isinasagawang Metro Manila Film Festival …

CoJ Cup of Joe Stardust

Cup of Joe’s Stardust int’l leg kasado na

I-FLEXni Jun Nardo KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe. …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …