Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Top 5 most wanted laglag sa Makati cops

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Makati City Police Station ang tinaguriang top 5 most wanted person, may kasong murder sa Brgy. Rizal, Makati City.

Kinilala ang akusado na si Jonathan Millet, 40, naninirahan sa Makati City.

Sa imbestigasyon ng Makati Police, ang mga operatiba ng Warrant Section Unit at mga  elemento ng  Taguig City Police ay nagsilbi ng  Warrant of Arrest kay  Millet sa  Adela St., Brgy. Rizal, Makati City.

Inisyu ni Judge Leticia Morales, RTC Branch. 140, Makati City, at walang piyansang inirekomenda ang Korte.

Pinapurihan ni SPD District Director P/BGen. Jimili Macaraeg ang mga operatiba ng Makati at Taguig City Police Station sa kanilang joint effort upang matagumpay na maaresto ang tinaguriang top 5 most wanted persons.

Tinitiyak ni Macaraeg sa publiko na gagawin nila ang lahat ng paraan para maaresto ang lahat ng mga akusado sa kanilang wanted list upang maibalik sa Korte at sagutin ang mga alegasyon laban sa kanila. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …