Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lanao del Sur

Sa Lanao del Sur
POLL WATCHERS NA SINAKTAN NG MGA SUNDALO,  LUMANTAD NA

LUMANTAD at nanawagan ng hustisya ang mga poll watchers ng Lumbatan, Lanao del Sur makaraang masaktan sa naganap na agawan ng balota sa pagitan nila at ng 103rd Infantry Brigade kaugnay sa nakalipas na May 9 local and national elections.

Sa isinagawang press conference sa Quezn City, ipinakita ng poll watchers ang video, na makikita ang pang-aagaw ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng balota at ang pagpaputok ng baril, maging ang ilang beses na pagdunggol ng sasakyan sa lalaking pumipigil na huwag makuha ang balota.

Isinalaysay nila ang mga naganap noong araw ng halalan mula sa naganap na pagboto hanggang mauwi sa sakitan at agawan ng balota.

Ipinakita ng poll watchers na nakakuha ng zero vote ang kumakandidato sa pagka-alkalde na si Lominog Lao, Jr., sa mismong presinto kung saan siya bumoboto sampu ng kanyang pamilya.

Samantala, ayon sa kampo ni Lao Jr., sa pamamagitan ni Atty. Bayan Lao ay maghahain sila sa Commission on Elections (Comelec) ng “Petition for the annulment of election result in the 6 affected barangay o failure of election.”

Kabilang sa mga barangay na ito ang Pikutahan, Minunya, Tambac, Lunay, Ligue, at Magdata.

Matatandaang nagkatunggali sa pagka-alkalde ang magpinsan na sina incumbent Mayor Allan Lao at Lominog Lao, Jr., sa bayan ng Lumbatan, mayroong 21 barangay, tinatayang nasa 14,000 ang bilang ng botante.

Noong 11 Mayo ay iprinoklama sa kanyang tahanan si incumbent Mayor Allan Lao.

Kinuwestyon nila ang pagpayag ng Comelec na patakbuhin ang anak ni Mayor Allan Lao na si Aljayeed Lao sa pagka-bise-alkalde kahit edad 19-anyos lamang.

Dumalo sa pagtitipon sina Atty. Lao, mga poll watcher na sina Aliah Macabangkit, Sharon Umpara, Jahanisa Umpara, Jalpha Umpara, Rajib Mua, at

Mohammad Omar. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …