HINIKAYAT ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na nag-iipon ng mga karton, diyaryo, magazines, at iba’t ibang uri ng recyclables materials, maaari itong ipalit ng grocery items.
Ito’y sa pamamagitan ng programang Mobile Materials Recovery Facility (MMRF) “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko,” — may katumbas na puntos ang recyclables items.
Ang MMRF ay isa sa proyektong kabahagi ang MMDA.
Layunin ng proyektong mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ukol sa solid waste management sa mga komunidad.
Regular na isinasagawa ang declogging operations ng mga tauhan ng MMDA Flood Control and Sewerage Management Office sa mga panguhahing drainage na barado at puno ng basura na nagiging sanhi ng pagbaha.
Aniya, kailangan alisin ang lahat ng klase ng basura, putik at burak na bumabara sa ating mga drainage at estero para matiyak na tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig. (GINA GARCIA)