Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Vince Rillon Pusoy

Pusoy ng Vivamax, parang Pinoy version ng Fifty Shades of Grey — Angeli Khang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang pasasalamat ni Angeli Khang sa Viva sa mga opportunity na ibinibigay sa kanya. Bukod sa kanyang solo presscon na ginanap last Friday sa Botejyu, sunod-sunod din ang projects ng magandang alaga ni Jojo Veloso.

Si Angeli ang kinikilala bilang bagong Takilya Queen ng Vivamax. Isa siya sa tampok sa pelikulang Pusoy na palabas sa May 27. Siya ang gumanap sa chart-topping Vivamax originals gaya ng Taya, Mahjong Nights, Eva, at Silip sa Apoy.

Paano niya ide-describe ang movie at bakit Pusoy ang title nito?

Saad ni Angeli, “Iyong movie is about Pusoy and sugal, but… nangyayari talaga ito sa totoong buhay, hindi lang sa malalaking palaruan, but also from the lowest to the highest, mayroong dayaan sa pagsusugal.

“Si Mika rito is hustler talaga siya kahit hindi siya nandadaya and napansin siya ni Baron na asawa ni Janelle. After niyon, doon na nagka-twist-twist yung movie, kaya abangan nyo kung ano ang mangyayari.”

Inusisa rin namin siya kung hindi ba mabibigo sa kanilang movie ang viewers na barako na naghahanap ng pampainit at pampaganang pelikula. “Yes, sobra-sobrang kakaiba ang mga sexy scenes rito, super-wild. Ang tawag nga namin ni Janelle is Fifty Shades of Grey pero in a weird version, hahaha! Pinoy version, kumabaga…

“Never na never na mabibigo ang mga boys na naghahanap ng pampainit, it’s from Vivamax, kaya never na mabibigo yung mga boys sa movie na ito,” nakatawang wika pa ni Angeli.

Bukod kay Angeli, tampok sa Pusoy sina Vince Rillon, Baron Geisler, Janelle Tee, Jela Cuenca, at iba pa. Written and directed by Phil Giordano and produced by Brillante Mendoza.

Handog ng VIVA Films, ang Pusoy ay kuwento ni Popoy (Vince), isang ambisyoso at batang bodyguard na nagtatrabaho sa notorious na pasugalan na pag-aari ni Rodolfo (Baron), isang malupit na gambling lord, at mina-manage ni Xandra (Janelle), isa sa mga babae ni Rodolfo. Tapat sa kanyang tungkulin kay Rodolfo si Popoy, ngunit may ambisyon na balang araw ay mapasakanya ang pasugalan.

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at puwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account. Maaari ring mag-subscribe sa http://www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …