ISINAGAWA muli ng pamunuan ng Metro Railways Transit (MRT-3) ng antigen testing para sa lahat ng kanilang empleyado matapos ang halalan upang matiyak at mapanatili ang kaligtasan ng mga empleyado laban sa COVID-19.
Ayon sa MRT-3, ang aktibidad ay bahagi ng health and safety protocols ng rail line upang mapanatili ang zero case ng COVID-19 sa mga empleyado nito sa depot at sa mainline.
Panawagan nito para maiwasan ang pagkalat ng sakit, ipagpatuloy ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa buong linya, gaya ng pagbabawal sa pagkain, pag-inom, pakikipag-usap sa telepono, at pagsasalita sa loob ng mga tren.
Mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask habang boluntaryo ang pagsusuot ng face shield. (GINA GARCIA)