Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tiffany Grey

Tiffany Grey, isang challenge ang pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NANGHIHINAYANG ang newbie actress na si Tiffany Grey dahil hindi siya nakasali sa shooting ng sexy suspense thriller movie, titled Tahan.

Tampok dito sina Cloe Barreto, Jaclyn Jose, JC Santos, Quinn Carrillo, Mercedes Cabral, Karl Medina, AJ Oteyza, at iba pa, under Direk Bobby Bonifacio Jr.

Esplika ni Tiffany, “Nanghinayang po ako na hindi ako nakasali sa Tahan. Kasi, isa rin yun sa mga exposure para sa akin, kaya nanghihinayang po talaga ako. Isa pa, maganda yung casts ng Tahan and yung role po na dapat na gagampanan ko.”

Aniya pa, “Kasi umuwi ako ng Cebu, because of family matters po.”

Ayon pa kay Tiff (nickname ni Tiffany), hindi naman daw nagalit ang manager niyang si Ms. Len Carrillo sa pangyayaring ito. “Hindi naman po, kasi valid reason po kung bakit hindi ako nakasali,” pakli pa ng magandang aktres.

Si Stiff ay mapapanood din sa pelikulang Fall Guy na tinatampukan ni Sean de Guzman, na mula sa batikang direktor na si Joel Lamangan.

Ang pelikula ay isang social crime drama na istorya ng isang influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Matindi ang cast ng pelikulang ito na prodyus ni Ms. Len Carrillo of 3:16 Media Network and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

Pero bago ito, mapapanood muna ang aktres sa Putahe sa Vivamax. Tampok sa pelikulang ito ang mga alaga ni Jojo Veloso na sina Ayanna Misola at Massimo Scofield, mula kay Direk Roman Perez.

Nabanggit ni Stiff na may bed scene siya sa pelikulang Putahe. “Yes po, may bed scene ako sa Putahe, hubad po ako pero wala naman masyadong nakita. Bale, ang nakita lang ay yung butt ko.”

Aniya pa, “Noong una po ay kinabahan ako sa bed scene namin, pero after that scene po ay nawala na. Kasi sobrang galing ng direktor namin.”

Ano ang reaction niya sa mga sexy films na napapanood sa Vivamax?

“Ang masasabi ko po, iyong mga movies sa Vivamax, sobrang challenging, sobrang ano po, alam mo iyon…? Siyempre, first timer po ako eh, kaya gusto ko rin ma-experience yung ganoon. Thankful po ako na binigyan ako ng chance ni Nanay Len na ma-experience rin iyong ganoon po,” sambit pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …