I-FLEX
ni Jun Nardo
NASORPRESA si Mariel Padilla nang makita niya sa social media na inendoso ni Vina Morales ang asawa niyang si Robin Padilla sa pagka-senador.
Eh kahit mataas sa surveys si Robin bilang senatoriable, lahat ng suporta para sa asawa niya eh, pinasasalamatan ni Mariel, huh!
Kasikatan noon nina Robin at Vina nang magroon sila ng relasyon sa murang edad. Hindi man sila ang nagkatuluyan, nanatili silang magkaibigan.
Baka sa pagkakataong ito, suwertihin na si Robin sa pagpasok sa politika.