Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SM Aura Electronic Vehicles EV Charging

Para makatipid at makapag-enjoy habang nasa mall
EV CHARGING INILUNSAD NG SM MALLS

INILUNSAD ng SM Malls ang Electronic Vehicles (EV) Charging sa SM Aura kasunod ang paglulunsad nito sa tatlo pa nilang SM Malls.

Kabilang dito ang SM MOA, SM Megamall at SM North EDSA.

Ayon kay Steven Tan, Pangulo ng SM Prime Holdings bahagi ito ng kanilang programang Cyber Greening.

Dito ay nais nilang makatulong na mabawasan ang polusyong naidudulot ng mga usok ng sasakyan mula sa kanilang tambutso sa paggamit ng gasolina.

Tiniyak ni Tan, libre ang kanilang charging station at ito ay kanilang papalawagin sa iba’t ibang branch ng SM Malls.

Masayang sinabi ni Tan, sa naturang EV Charging ay nakatipid na sa koryente at pagbili ng gasoline, nakatulong pa sa kalikasan habang nagre-relax sa loob ng mga mall.

Habang nagta-charge ay maaaring makipag-meeting, mamili sa grocery at department store, kumain at maglibot-libot sa kanilang mga paboritong mga shop at maaari rin manood ng sine, maglaro ang mga bata at mag-enjoy sa kanilang family bonding.

Bukod dito, sinabi ni Tan, target nilang sa katapusan ng taon ay maging 50 porsiyento sa lahat ng SM Malls na ang gamit ay renewable energy.

Sinabi ni Tan, kung makatitipid sila sa elektrisidad at makatutulong sa pamahalaan para sa pagtitipid ay malaking bagay para sa ating inang kalikasan.

Katuwang ng SM Malls sa programa ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Energy (DOE).

Nagpahayag ng kani-kanilang mga pananaw at suporta ang mga kinatawan ng mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan sa programang Cyber Greening ng SM Prime Holdings.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon  Lopez, handa rin sumuporta ang pamahalaan sa mga nais maglunsad ng naturang programa.

Tinukoy ng mga kinatawan ng pamahalaan na naglunsad ng ganitong uri ng programa ngunit para lamang sa e-trike, e-jeepney, at e-bike.

Umaasa ang bawat mahihikayat ng publiko na lumipat sa paggamit ng Electric Vehicle dahil bukod sa makatitipid ay malaking kontribusyon ito para lalong mapangalagaan at maprotektahan ang inang kalikasan.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …